fyeo4.608

Agosto 19, 2017, Daet, Camarines Norte – Isinagawa ng Future Young Entrepreneurs Organization ang isang Entrepreneurship Seminar na may temang “Entrepreneurship Guarantees Viability and Growth of the Economy” kahapon, Agosto 18, 2017, simula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Social Hall ng Camarines Norte State College, Main Campus, Daet, Camarines Norte.

fyeo1.608

Dinaluhan ang nasambit na seminar ng mga mag aaral at guro mula sa College of Business and Public Administration ng nasambit na paaralan.

Naging resource speaker sa naturang seminar si Mrs. Ma. Eliza H. Llovit, Negosyo Center Manager ng Local Government Unit of Daet.

fyeo2.608

fyeo3.608

Pangunahing tinalakay sa naturang seminar ang mga hakbang sa pagtatayo at pagsisimula ng negosyo.

Tinalakay rin dito ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagnenegosyo sa patuloy na paglago ng ekonomiya at produksiyon gayundin ang mga katangiang dapat ipinapamalas ng isang entrepreneur bilang parte ng pagsulong sa kaunlaran.

Sa huli, ipinaalala ni Negosyo Center Manager na bukas ang Negosyo Center ng LGU Daet na tumulong sa mga young entrepreneurs at sa iba pang nagnanais na makapagsimula ng kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng kanilang mga programs at seminars.

Magugunitang isa sa mga programa ni Mayor Benito Ochoa ng bayan ng Daet ang “Bayan 2ngo sa Kaunlaranna naglalayong mahikayat at mabigyan ng pagkakataon ang lahat upang magkaroon ng sariling mapagkakakitaan.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News