gunban608

Setyembre 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Muling nagpapaalala ang COMELEC Camarines Norte sa mga mamamayan kaugnay sa ipatutupad na election gun ban na magsisimula ngayong darating na araw ng Sabado, Setyembre 23, 2017.

Bagamat may mga balitang postponement nito naninindigan ang COMELEC na hanggang walang executive order o proklamasyon mula sa Malacañang na ipinalalabas ay tuloy pa rin daw ang mga ito sa kanilang trabaho na paghandaan ang darating na eleksyon.

Patuloy rin ang paghihigpit sa mga mamamayan na ipagbawal ang pagdadala, pagdedeliver at pagbibiyahe ng kahit na anong klase ng baril, replika man o hindi at mga sangkap pampasabog o anumang kauri nito.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang ilang private entities sa pagkuha ng security personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.

Nakatakdang magtapos ang election gun ban sa Oktubre 30, 2017

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News