F3

Oktubre 7, 2017, Daet, Camarines Norte – Positibo at malaki na ang ipinagbago ng naiwang open pit mining site bunga ng small mining activities noon sa Barangay Napaod na mas kilala bilang “Venida Pit”.

Ito ay bunga ng patuloy na pagsisikap at pagkilos ng Galeo Equipment Corporation na siyang nagsasagawa ng remediation project sa naturang lugar upang maiwasan o mabawasan ang mga hindi magagandang dulot ng naiwang nakatiwangwang na minahan sa kapaligiran lalung lalo na sa mga nakatira sa paligid nito.

Bukod sa malawakang pagsasaayos ng lupa, malaking bahagi na ng naturang lugar ang nataniman na ng mga halamang ornamental at patuloy na ginagawang malawak na hardin.

A1

A2

Mula sa dating bangungot na open pit, unti-unti nang nakikita sa lugar ang muling pagsibol ng maayos na kapaligiran.

B1

B2

Mababatid na planong gawing Barangay Multi-Purpose Park ang nasambit na lugar na bubuksan sa publiko at isa rin sa mga posibilidad ay ang  pagkakaroon ng agrikultural na mga programa’t aktibidad dito.

C1 C2

E1 E2

F4

Ang mga pagkilos na ito ay bilang pagtalima ng Galeo Equipment Corporation sa usapin ng agarang pagsasaayos o mitigation works sa lugar base sa resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Labo, na kung saan ay sinuportahan naman ng Sangguniang Panlalawigan para sa ikabubuti, kaayusan at kaligtasan ng mga residente ng Barangay Napaod.

F5

 

Camarines Norte News