arrest.temp650

Oktubre 8, 2017, Daet, Camarines Norte – Sinilbihan ng warrant of arrest para sa kasong theft ang isang lalaki habang kasalukuyang naka detine sa Camarines Norte Provincial Jail, Daet, Camarines Norte dahil sa hiwalay na kaso.

Kinilala ang suspek na si David Ruiz y Balon, nasa hustong edad at residente ng Purok 2, Brgy. Cabanbanan, San Vicente, Camarines Norte.

Dakong 4:15 ng hapon nitong nakatalikod na Oktubre 5, taong kasalukuyan ng silbihan ng warrant of arrest ng mga personel ng San Vicente MPS si Ruiz sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Marlon P. Bacuño ng Municipal Circuit Trial Court, San Lorenzo Ruiz-San Vicente, Camarines Norte noong Agusto 24, 2017 para sa kasong theft sa ilalim ng criminal case number 1018.

May inirerekomenda ang korte na sampung libong pisong (Php 10,000.00) halaga ng piyansa para sa naturang kaso.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa rin ng CNPJ ang nasambit na suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News