daet-608-new

Oktubre 9, 2017, Daet, Camarines Norte – Arestado kamakalawa sa  Purok 1A, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte ang isa sa mga  itinuturing na high value target ng probinsiya kaugnay ng illegal na droga.

Dakong 4:10 ng hapon kamakalawa, Oktubre 7,2017 nang madakip  ng mga personel ng Daet MPS sa nasambit na lugar ang suspek na si Allan Tablatin y Rodolfa, 47 anyos, may asawa at residente ng  Purok Ubas, Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte.

Inaresto si Tablatin sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Arniel A. Dating ng  Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Marso 17, 2017 para sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165, sa ilalim ng criminal case number 18005 na may inirerekomendang piyansang Php 200.000.00 at paglabag din sa RA 9516 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), sa ilalim ng criminal case number 18075 na walang inirerekomendang piyansa.

Nabatid na ikalima (5th) sa Provincial High Value Target at ika siyam (9) naman sa listahan ng Top Ten Municipal Most Wanted Person ng Daet MPS para sa buwan ng Oktubre 2017 ang nadakip na suspek.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang nadakip na suspek para sa kaukulan disposisyon.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.