drug608

Oktubre 9, 2017, Daet, Camarines Norte – Dalawa katao ang arestado ng mga otoridad sa  dalawang araw na magkasunod na buy bust operation ng pulisya sa bayan ng Daet at Talisay, Camarines Norte.

Sa Purok 3, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte, arestado kamakalawa, Oktubre 7, si Rodolfo Boytizon y Dela Cruz Jr alias “Boyti” 42 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Nakuha mula kay Boytizon ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu (buy bust drug), dalawa (2) pang sachet ng hinihinalang shabu at Php 500.00 na buy bust money.

Sa Purok 1, Barangay Binanuan, bayan ng Talisay naman, arestado kahapon si Joselito Pla y Laviste, 42 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Purok 2, Barangay San Francisco ng parehong bayan.

Nakuha mula kay Pla ang isang (1) plastic sachet ng hinihinalang shabu (buy bust drug), isa (1) pang sachet ng hinihinalang shabu at Php 500.00 na buy bust money.

Nasa kustodiya na ng nakakasakop na Municipal Police Station ang dalawang suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.