PNP608

Oktubre 10,2017, Legazpi City – Bumababa ng 11.94% ang bilang ng kabuuang naitalang krimen o Total Crime Volume sa rehiyong Bicol ngayong taon base sa ulat ng Regional Investigation and Detective Management (RIDM ) ng Police Regional Office 5.

Base sa naturang report, bumaba ang dami ng naitalang krimen sa rehiyon mula sa dating 28,900 sa buwan ng Enero hanggang Setyembre ng taong 2016 sa 25, 448 na lamang mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan ayon sa datus na nakalap sa Crime Incident Reporting and Analysis System (CIRAS).

Ayon din sa naturang report, bumaba ng 21.48% ang bilang ng mga naitalang index crimes katulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at car napping.

Bumaba rin ng 8.50% ang naitalang non index crimes katulad ng ilegal na droga, violation against women and children, child abuse, traffic code, firearms, illegal gambling, illegal logging, juvenile act, at illegal fishing.

Ang nasambit na pagbaba ng Total Crime Volume sa rehiyon ay bunga umano ng mas pinaigting na mga programa kontra kriminalidad ng PRO-5. Bukod dito, nakatulong rin umano ang maayos na implementasyon ng  Bicol Region Against Drugs (BRAD) at motorcycle cops. Gayundin umano ang patuloy na suporta ng mga Local Government Units at maging ng komunidad.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News