608-map-Sta.-Elena

Oktubre 10, 2017, Santa Elena, Camarines Norte – Isang concerned citizen ang dumulog sa Santa Elena Municipal Police Station upang ireport ang pagpapaputok umano ng armas ng isang lalaking nasa impluwensiya ng alak sa Sitio Watawat, Barangay Tabugon, Santa Elena, Camarines Norte kamakalawa ng gabi, Oktubre 8, 2017.

Kinilala ang suspek na si Eric Macahilig y Matibag, nasa hustong edad at residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa testimonya ng concerned citizen sa Santa Elena MPS, makailang ulit umanong nagpaputok sa lupa ang suspek na nasa impluwensiya ng alak gamit ang hindi matukoy na armas.

Agad nmang nagtungo sa lugar ang mga rumispondeng persoel ng naturang himpilan at narekober ang  isang (1) baril na may tatak na  Gabilondo y Oia Vitoria España na burado ang serial number. Naglalaman naman ito ng isang  (1) magazine na may dalawang (2) bala ng kalibre .45 at isang(1) kaluban.

Nang aktong aarestuhin na umano ang suspek, nakarinig pa umano ng tatlong (3) putok ng baril malapit sa lugar dahilan para makatakas ang suspek.

Sinubukan naman umanong habulin ng mga pulis ang suspek subalit tuluyan na itong nakatakas.

Narekober mula lugar ang isang (1) basyo ng bala mula sa isang kalibre 45 na baril.

Nagsasagawa na ang Santa Elena MPS ng hot-pursuit operation para sa pagkadarakip ng tumakas na suspek habang initurn-over naman sa Provincial Crime Laboratory ang mga nakalap na ebidensiya para sa kaukulang eksaminasyon.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News