cabinet1.608

Oktubre 11, 2017, Labo, Camarines Norte – Lubos ang pasasalamat ng mga personel ng Labo Municpal Police Station sa kamakailan lamang ay ipinagkaloob ni Mayor Jospeh V. Ascutia na bagung bagong steel cabinets sa kanilang tanggapan.

cabinet2.608

Mababatid na nitong nakalipas na buwan lamang lumipat sa bagong gawang istasyon sa Brgy. Malasugui, bayan ng Labo ang mga personel ng Labo MPS.

Ayon kay P/Supt. Ricky Camisola, hepe ng Labo PNP, malaking tulong sa kanila ang mga cabinets na ito dahil sa ngayon aniya ay kulang pa sa kagamitan ang kanilang tanggapan.

Nagpaabot rin ang opisyal maging ang iba pang kawani ng nasambit na MPS ng pasasalamat sa alkalde ng bayan para dito at sa walang sawa umanong suporta nito at ng Lokal na Pamahalaan sa mga kapulisan sa bayan ng Labo.

Ipapamahagi ang labing anim (16) steel cabinets sa ibat ibang seksyon ng naturang himpilan ng pulisya.

 

Camarines Norte News

Details and photo courtesy of Dwlb Fm