rob608

Oktubre 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Pera atmga alahas ang natangay mula sa isang negosyante sa bayan ng Daet matapaos pasukin ng hindi nakilalang kawatan ang tahanan nito sa Villa Esperanza Subdivision, Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang biktimang si Rudolfo Flores y Llagas, 38 anyos, may asawa, general trade manager at residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyong isinagawa ng Daet Municipal Police Station (MPS),dakong 6:00 kagabi, Oktubre 11, 2017 nang madiskubre ng biktima na napasok na ng kawatan ang kanilang tahanan sa pamamagitan ng pagsira ng steel grills ng bintana at pagbasag ng salamin nito.

Nang makapasako na sa loob ay tinangay na ang mga alahas na umaabot sa halagang Php 60,000.00 at cash na nagkakahalagang Php 20,000.00 na nakalagay sa isang dura box cabinet.

Lumabas naman umano ang suspek sa likurang pinto ng bahay.

Nagsasagawa na ang Daet MPS ng follow up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na pera at alahas.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News