dti608

Oktubre 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Muling hiningi ng Department of Trade and Industry (DTI)-Camarines Norte ang tulong ng media sa pagpapaalala sa mga konsumidores ukol sa pagiging maingat sa pagbili ng mga produkto ngayong holiday season partikular na sa mga produktong hazardous gaya ng mga Christmas lights.

Kahapon, Oktubre 20, 2017, sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency sa mismong opisina ng DTI sa bayan ng Daet, binigyang diin ni DTI Provincial Director Cynthia Olaguer ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng media sa kanilang tanggapan sa pagpapaabot ng mga impormasyon sa publiko ukol sa mga produktong dapat tangkilikin at iwasan ng mga consumers lalung lalo na ngayong holiday season kung saan naglipana sa merkado ang mga produktong Christmas decors, noche buena items at mga laruan at gamit pang regalo na ang ilan ay mga substandard.

tsp608

Aniya, dapat na paigtingin ang pagpapaalala sa publiko na maging mas mapili at tangkilikin lamang ang mga produktong pumasa sa itinakdang quality standards ng DTI.

Makikilala umano ang mga lehitimng produkto sa pamamagitan ng pagtingin kung mayroon itong mga quality marks sa packaging nito. Kung ito ay imported product, hanapin umano ang Internationl Comodity Clearace o ICC seal. Para naman sa mga locally manufactured products, hanapin umano ang PS mark.

DTIMARKS

Mahalaga umano ang pag iingat sa pagpili ng mga bibilhing produkto ng mga consumers dahil dito nakasalalay ang kanilang kaligtasan lalung lalo na kung ang mga bibilhing produkto ay hazardous o may banta ng disgrasya katulad ng mga produktong elektrikal o nakalalason.

Dagdag pa ng Direktor, dinidiscourage umano nila ang pagtangkilik sa mga produktong ibinibenta sa bangketa o tabing kalsada dahil sa madalas ay substandard ang mga ito at walang ibinibigay na resibo sa mga mamimili ang mga nagtitinda.

Mahalaga umano ang resibo bilang ebidensiya kung sakaling magpapaabot ng reklamo ang mga consumers sa kanilang tanggapan. Hindi umano nila matutugunan ang mga reklamo kung ito ay walang ebidensiya o legal na basehan.

Nangako naman si Director Olaguer na tututukan nila ang monitoring sa mga hazardous products ngayong holiday season. Sa katunayan aniya ay magsisimula na silang maglibot sa lalawigan upang kumpiskahin at sirain ang mga substandard na produktong karaniwang naglipana sa merkado tuwing magpapasko.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News