mvr1

Oktubre 22, 2017, Daet, Camarines Norte – Maghigit isang libong Camnorteño ang nakilahok at tumakbo sa isinagawang Million Volunter Run 4 ng Philippine Red Cross-Camarines Norte Chapter sa bayan ng Daet kahapon ng umaga, Oktubre 21, 2017.

Dakong 4:00 pa lamang nang madaling araw ay nagsimula nang dumagsa sa harap ng Provincial Capitol ang mga tatakbo para sa nasambit na aktibidad.

Naging hudyat naman ng pagsisimula ng fun run ang pagpapaputok ng starting pistol ng First Lady ng lalawigan at PRC Chairman Josie Baning Tallado dakong 6:00 nang umaga.

mvr3

mvr2

Nagtapos ang fun run sa Bagasbas beach kung saan masigla rin nakilahok sa zumba session ang mga participants.

Ang naturang fun run ay isa sa mga aktibidad ng Philippine Red Cross na naglalayong makalikom ng pondo na gagamitin upang matulungan ang mga kababayang nangangailangan ng ligtas na dugo, makapamahagi ng mga relief items sa panahon ng kalamidad at upang mapalawak pa ang mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan.

Nagpaabot ng pasasalamat si PRC Camarines Norte Chairwoman  Josie B. Tallado sa umaapaw na suportang ipinakita ng mga kababayang dumagsa nang higit pa sa inaasahan ang dami gayundin sa suporta ng kanyang mga kasamahan sa organisasyon na nagtulong tulong upang maging posible ang nasambit na aktibidad.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News