daet-608-new

Oktubre 23, 2017, Daet, Camarines Norte – Sinilbihan ng warrant of arrest para sa kasong Rape by Sexual Assault ang isang lalaki habang kasalukuyang naka detine sa Provincial Jail, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Carlo Dimas y Asis, 55 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Base sa ulat ng Vinzons MPS, dakong 1:00 kahapon ng silbihan ng warrant of arrest si Dimas ng mga personel ng kanilang istasyon para sa kinakaharap na kasong Rape by Sexual Assault in relation to RA 7610, sa ilalim ng criminal case number 18500.

Ang naturang warrant of arrest ay ibinaba ni Judge Evan D. Dizon ng RTC Branch 40 Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Oktubre 9, 2017.

Nabatid na una nang nakulong ang suspek sa pamamagitan ng Commitment Order na nilagdaan ni Judge Evan d. Dizon nito lamang Oktubre 20, 2017.

May inirerekomenda ang korte na Php 200, 000.00 halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.