3 TRICYCLE FRANCHISE NA NABAWI NG TRU DAET, NAKATAKDANG IPA-RAFFLE SA MGA BAGONG APLIKANTE!

Tatlong tricycle franchise ang nakatakdang ipa-raffle ng Sangguniang Bayan ng Daet na tumatayong Tricycle Regulatory Board sa kanilang sesyon na itinakda sa Mayo 14, 2014.

TRICY-608

SB-608

Ito ay matapos ang pagpapatawag ng SB Daet at ng tanggapan ni Coun. Rosa Mia King bilang Chairman ng Tricycle Regulatory Board sa mga tricycle operators na hindi nakapag renew ng kanilang mga prangkisa sa itinakdang panahon.

Binigyan ng pagkakataon ng TRU at TRB ang nasabing mga tricycle operators, subalit sa pitong ipinatawag ay anim lamang dito ang nakarating upang umapela at ipaliwanag ang kanilang mga rason ng hindi pag abot sa renewal.

Ang lima na sumipot ay pawang binigyan ng pagkakataon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet na makapag renew. Samantalang hindi na rin napagbigyan ang dalawa, ang isa ay sa dahilan na rin sa kamag-anak lamang nito ang dumalo na wala namang dalang awtorisasyon mula sa mismong operator, ang isa naman ay hindi na rin nagpakita sa kabila ng sulat text at personal na pag tungo ng staff ng TRU sa tahanan mismo ng operator, habang ang pangatlo naman ay ang numerong 1531 na dating pag aari ni Odel Dela Cruz na noon pang 2013 na forfeit ng SB.

Sa susunod na linggo, araw ng miyerkoles, Abril 30, 2014, bubuksan na ng SB ang pag tanggap ng mga aplikante na interesadong makasali sa raffle na gagawin para sa naturang tatlong prangkisa.

Magtatapos ang pag tanggap ng aplikante sa Mayo 14, alas dose eksakto ng tanghali, habang alas dos ng hapon sa nasabi ding araw isasagawa ang naturang raffle.

Sa TRU office makakakuha ng aplikasyon para sa mga gustong sumali sa raffle or Application for Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP)

Samantala narito naman ang iba pang requirements: 1. Voter’s Registration Record 2. Barangay Clearance 3. LTO Registration-OR & CR 4. 2×2 picture-Driver and Operator 5. Stencil of Chassis & Engine No. of Motor Vehicle 6. SSS Certificate of Compliance 7.  Police Clearance 8.  Head Light 9. Park Light 10. Stop Light 11. Signal Light 12. Sidecar Light 13. Horn 14. Road Worthiness 15. Trash Box/ Can 16. Side Car ( Good Condition )

 

 

Nag uulat,

Shiemar “Kim” Fernandez

 CNNews Correspondent

 

Rodel Llovit

Managing Editor, CNNews

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                     Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150