jit4

Oktubre 25, 2017, Daet, Camarines Norte – Umaabot na sa labinlimang (15) business establishments sa bayan ng Daet ang surpresang binisita ng Municipal Joint Inspection Team for Business Enterprise ng LGU Daet sa kanilang isinagawang random ocular inspection sa ibat ibang lugar sa naturang bayan.

Ayon sa panayam ng Camarines Norte News kay Ma’am Alda Balon, Senior Administrative Asst. III ng LGU Daet, sa 15 establisyemento na kanilang napuntahan mula ng magsimula sila ng inspeksiyon buwan ng Setyembre ngayong taon, karamihan dito ay natuklasang hindi nagcocomply sa mga business permits.

Kanila na umano itong napadalhan ng notice of violation at kung hindi tutugon sa loob ng labinlimang (15) araw ay tuluyan na itong ipasasara.

Gayunpaman, nagpapasalamat naman umano sila sa mga patuloy na sumusunod sa mga patakaran.

Ang nasambit na ocular inspection aniya ay base sa Executive Order No.30 na ibinaba ni Mayor Benito Ochoa ng bayan ng Daet nitong nakatalikod na Agosto 29, 2017 kung saan isang Joint Inspection Team ang binuo mula sa ibat ibang ahensiya ng LGU Daet katuwang ang DTI at PNP upang mamonitor kung nasusunod ng mga business enterprise tulad ng mga bars, hotels, cafe maging ng mga tindahan ang mga guidelines na itinakda partikular na sa mga business permits at licensing systems.

jit1 jit2

jit3 jit5

Layunin umano ni Mayor Ochoa na masigurong sumusuond ang lahat ng business enterprise sa bayan sa mga guidelines maging malaki o maliit man itong enterprise. Layon din umano itong maaksyunan agad ang mga reklamong nakaabot sa kanilang opisina ukol sa hindi pagcomply ng iba na hindi naman umano patas para sa ibang sumusunod naman dito.

Nilinaw rin ng ginang na hindi umano ito raid bagaman biglaan at hindi alam ng mga may ari ng mga establisyemento ang kanilang ang pagbisita, ito ay upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa mga ordinansa at mahuli ang mga lumalabag dito.

Dagdag pa ng ginang, magpapatuloy umano ang naturang surpresang inspeksiyon sa mga susunod pang araw at lugar sa bayan ng Daet.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Municipal Admin Joan Tabernilla – De Luna