arrest.temp650

Nobyembre 10, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Arestado ng mga otoridad ang isang negosyanteng may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa Purok 5, Brgy. 4, Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ng Mercedes Municipal Police Station, dakong 3:15 ng kahapon ng maaresto ng mga personel ng nasabing istasyon ng kapulisan at Camarines Norte Provincial Public Safety Company sa nasambit na lugar ang suspek na si Noel Calderon y Colinares, 48 anyos, may asawa at residente ng Purok 1 ng parehong barangay.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Agosto 18, 2016 ni Judge Evan D Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte.

Nabatid na si Calderon ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9262 ((Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004) sa ilalim ng criminal case number 17607 na may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng Php 80,000.

Nasa kustodiya na ng Mercedes MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News