calasgasan1

Nobyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Umaabot sa 625 households sa Barangay Calasgasan sa bayan ng Daet ang nahatidan ng serbisyo ng Provincial Multiservices Caravan kamakalawa, Nobyembre 9, 2017.

Hindi maitago ang katuwaan sa mukha ng daan daang residente sa nasambit na barangay nang personal na makadaupang palad sa naturang caravan ang Gobernador ng lalawigan na si Gov. Egay Tallado kasama ang anak nito na si Provincial Administrator Alvin Tallado.

calasgasan2

Matapos magbigay ng menashe ng gobernador ay tumulong pa ito sa pamamahagi ng mga food packs para sa mga residente na labis naman ang naging pasasalamat sa pagpapaabot sa kanila ng mga libreng serbisyo ng kapitolyo.

Bukod sa mga food packs ay namahagi rin ng mga libreng gamot at bitamina, mga reading glasses para sa mga nakatatanda at mga seedlings na pananim.

Hindi rin nawala sa caravan ang medical team na nagbigay ng libreng serbisyong medical tulad ng medical at dental check up kasama na rin ang libreng bunot ng ngipin.

calasgasan3

Isa lamang ang nasambit na barangay sa daan daang barangay na inaabot ng mga serbisyo sa tuloy tuloy ng pag arangkada ng serbisyo caravan sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Camarines Norte Provincial Information Office