best2

Nobyembre 11, 2017, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Business Simulation (Business Expense Savings Training – B.E.S.T Game) para sa mga lokal na entrepreneurs maging sa mga nagnanais pa lamang na maging entrepreneurs sa bayan ng Daet.

Isinagawa ang naturang training sa Daet Heritage Center nitong nakatalikod na Nobyembre 7, 2017 na dinaluhan ng dalwampung (20) participants.

Pinangunahan ang nasambit na training ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamamagitan ng Negosyo Center  Daet kung saan naging pangunahing trainer si Ms.Christie Rivera, Supervising Sr Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Cam Norte Provincial Office.

best1

Ang B.E.S.T. Game ay isang training kung saan binubuo ang isang aktwal na bussines environment at nagkakaroon ng role playing ang mga participants na nagsisilbing “players” upang aktwal na matutunan ang ibat ibang aspeto ng pagnenegosyo tulad ng record keeping, cash flow monitoring, cost saving, employee retention at price negotiation.

Layunin din ng naturang pagsasanay na maipabatid sa mga participants ang mga personal qualities na mayroon dapat ang isang entrepreneur para sa matagumpay na pagpapatakbo ng negosyo.

best3

Ang naturang gawain ay isa lamang sa maraming programang isinasagawa ng LGU Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa na naglalayong mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng bawat mamayan sa bayan ng Daet. #Bayan2ngosaKaunlaran

 

Charlotte V.  Marco

Camarines Norte News