srdp608.1

Nobyembre 13, 2017, Daet, Camarines Norte – Mainit pa ring pinag uusapan sa Sangguniang Panlalawigan ang resolusyong isinumite ni Bokal Godfrey Parale at Bokal Mike Canlas ukol sa pagbibigay ng prayoridad sa pagsasaayos ng mga pasilidad, paglalagay ng mga  laboratory equipments/machine at pagkakaroon ng mas maayos na patient-personel relationship bago ang pagtatayo ng mga bagong gusali o pagbili ng iba pang ospital upang tugunan ang lumalaking bilang ng mga pasyente sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Sa ginanap na 61st regular session ng Sangguniang Panlalawigan nitong nakatalikod n araw ng Miyerkules, Nobyembre 8,, hiniling ni Bokal Mike Canlas na amyendahan ang Draft Resolution No. 126, “Urging the Provincial Governement of Camarines Norte thru its Local Chief Executive and Sangguniang Panlalalwigan to Prioritize the Improvement of Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) Facilities, to Provide Adequate Medical and Laboratory Equipment/Machines,to Deliver an Efficient and Effective Health Services, to Improve Client/Patients-Personnel Realtionship, and Others, Before Any Extension and/or Acquisition of an Old Hospital Building and Facilities or any Related Undertakings”.

Ayon kay Bokal Canlas, nararapat umanong unang bigyang pansin ang mga general sevices at kakulangan sa mga gamot at pasilidad sa CNPH bago ang extension o pagbili ng existing hospital building dahil kung uunahin umano ang pagkakaroon ng gusali, kulang pa rin umano ang mga personel na mag aasikaso dito.

Dagdag pa ng Bokal,  dapat umanong magamot ang mga pasyente at hindi basta lamang maacomodate ang mga ito. Kung papasok umano ang mga pasyente at may sapat naman na mga gamot at pasilidad para sa mga ito, agad din umano itong makakalabas at makakabawas sa kabuuang bilang ng mga pasyente sa loob ng ospital.

Hiniling din ng Bokal na isama sa prioritization ang iba pang government owned hospitals sa lalawigan  tulad ng Labo District Hospital at Capalonga Community Medicare Hospital.

Sinang ayunan naman ito ni Bokal Parale na author din ng naturang resolusyon. Aniya, kung magkakaroon man ng extension ay dapat na gawin ito sa mismong lugar na nakakasakop sa mga government hospitals sa lalawigan.

Tulad ni Bokal Canlas, mariin din ang naging pagtutol ni Bokal Parale sa usapin ng pagbili ng existing hospital building dahil limitado ang pondo at naniniwala din ito na dapat unang tutukan ang general services na ibinibigay sa CNPH.

Tinutulan naman ni Bokal Renee Herrera ang pag amyenda sa nasambit na resolusyon sa dahilang urgent na umano ang pangangailangan sa hospital beds na siyang pinakamalaking problema ngayon sa Panlalawigang Pagamutan. Aniya, maaari naman umanong bumili ang gobyerno ng existing hospital building at gawin itong economic enterprise nang sa gayon ay agad nang matugunan ang problema sa pagdami ng pasyente.

Sang-ayon naman si Bokal Jay Pimentel at Bokal Pol Gache na urgent na ang pangangailangan sa hospital beds kung kayat sana aniya ay wag isara ang usapin ng acquisition ng existing hospital building tulad ng hinihiling ni Bokal Parale at Bokal Canlas.

Bagaman nagkakaisa sa mithiing agad na matugunan ang lumalalang problema sa Panlalawigang Pagamutan,hati naman ang opinyon ng konseho sa kung alin ang dapat na bigyang prayoridad. Samantala, pansamantalang ipinagpaliban ang pagtalakay sa nasambit na resolsyon uoang bigyang daan ang iba pang usapin sa nasambit na sesyon.

 

Camarines Norte News