sp608

Nobyembre 13, 2017, Daet,Camarines Norte – Dadaan sa ikalawang pagdinig ng Sangguniang Panglalawigan ngayong araw ang proposed annual budget ng Pamahalaang Lokal ng Camarines Norte para sa taong 2018.

Ayon sa naging panayam ng Cool Radio News Fm kay Committee on Finance Chairman, Bokal Pol Gache kaninang umaga, tumaas mula 1.1Billion ng nakaraang taon ang proposed budget para sa susunod na taon sa halagang 1.3 bilyong piso.

Sa pahayag ng bokal, mula sa nasambit na kabuuang halaga, halagang Php 208, 746, 996.00 ang nakalaan para sa 20% development fund ng probinsiya. Php 64, 741, 199.00 naman ang nakalaan para sa 5% disaster risk reduction and management fund habang Php 282,000.00 naman na mandatory fund o Php 1,000.00 kada barangay ang nakalaan para sa 282 barangays sa buong probinsiya. Mayroon din umanong nakalaang Php 8, 202, 763.00 para sa special appropriation.

Dagdag pa ng bokal, malaking budget rin umano ang nakalaan para sa health services at infrastructures.

Masaya ring ibinalita ng Bokal Gache na hindi nabawasan ang pondo para sa Multi-Services Caravan at pinapanatili ang pondo para dito dahil isa umano ito sa napakahalagang proyekto para sa mga kababayan kung saan mismong kapitolyo ang lumalapit sa mga barangay upang malaman ang mga problema at maihatid ang mga serbisyo.

Camarines Norte News