palaro1

Nobyembre 14, 2017, Daet, Camarines Norte – Umaabot sa 600 sports officials at coaches ang dumalo habang halos 500 mga atleta naman ang maglalaban laban sa magkakaibang larangan ng sports o 23 sports discipline sa pagbubukas ng palarong panlalawigan sa Camarines Norte ngayong araw.

palaro2 palaro3

Pormal ng binuksan ngayong araw ang pagsisimula ng palarong panlalawigan sa Eco- Athletic Field, Daet, Camarines Norte na tatagal mula ngayong araw hanggang Nobyembre 18 ng taong kasalukuyan base sa DepEd memo no. 27, series of 2017.

Nagmula ang mga kalahok sa ibat ibang pambuliko at pampribadong paaralang elementarya at sekondaraya sa lalawigan ng Camarines Norte. Mula sa mga ito ay pipiliin ang pinakamahuhusay na manlalaro ng lalawigan na ipapadala sa palarong Bicol na gaganapin naman sa sa lungsod ng Naga.

Pinangunahan ni DepEd-Camarines Norte Officer-in Charge Wilfredo Gavarra ang naturang aktibidad. Naroon rin si Governor Edgardo Tallado na nagbigay ng mensahe at nagpakita ng kanyang suporta sa mga atleta ng lalawigan at sa larangan ng sports.

 

Orlando Encinares
Camarines Norte News