comelec608

Disyembre 1, 2017, Daet, Camarines Norte – Tuluyan nang isinara ng Commission on Elections (COMELEC) ang registration para sa darating na May 2018 Barangay and SK Elections kahapon, huling araw sa buwan ng Nobyembre 2017.

Tulad nang inaasahan ay marami ang nagtungo sa mga opisina ng COMELEC sa lalawigan ng Camarines Norte upang samantalahin ang Holiday kung saan walang pasok ang ibang opisina at mga paaralan para humabol sa huling araw ng pagpaparehistro.

Gayunpaman, hindi tulad ng mga nakalipas na registration ang naitalang dami ng mga nagpatala sa huling araw ng pagpaparehistro dahil na rin umano ito sa pagtanggal nila ng mga transaksiyong ng transfer upang bigyang daan ang mga bagong botante at iba pang transakyon tulad ng reactivation, change or correction of entries at inclusion o reinstatement of records ayon sa COMELEC.

Magugunitang base sa utos ng Pangulo ay muling binuksan ang nasambit na registration nitong nakatalikod na Oktubre 1 ng taon kasalukuyan.

Samantala, nakatakda namang isagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14 ng susunod na taon (2018).

 

 

Camarines Norte News