mercedesmap608

Disyembre 3, 2017, Mercedes, Camarines NorteDead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking biktima sa isang insidente ng pamamaril na naganap sa Barangay 3. Mercedes, Camarines Norte dakong 2:20 ng hapon ngayong araw.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Araojo y Janela, 47 anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Purok 1-A, Brgy. 7 ng naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Mercedes Municipal Police Station, nagtungo umano ang biktima na armado ng bolo sa bahay ng suspek na si Oscar Flogencio y Abedencia, 43 anyos, mangingisda at residente ng Purok 3, Brgy. 6 ng parehong bayan.

Doon umano ay naghamon ng away ang biktima sa suspek habang kumuha naman ang suspek ng improvised shotgun at  pinaputukan ang biktima na tumama sa leeg nito.

Agad umanong dinala ng mga rumispondeng personel ng MDRRMO Mercedes ang biktima sa Panlalawigang Pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Dati nang alitan ang itinuturong motibo sa naturang pamamaril.

Nagsasagawa na ang Mercedes MPS ng  follow up investigation para sa pagkadarakip ng suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

 

Camarines Norte News