daet-608-new

Disyembre 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Hindi magkakansela ng klase ang pamahalaang lokal ng Daet sa araw ng bukas, Disyembre 4, 2017, sa harap ng bantang Pambansang Tigil-Pasada ng ilang sektor ng transportasyon may kaugnayan sa planong pag phase-out ng mga jeepneys sa buong bansa ng kasalukuyang pamahalaan.

Sinabi ni Municipal Administrator Joan Kristine T. De Luna sa panayam ng Camarines Norte News na hindi sila ngayon magdedeklara ng pagkansela ng klase dahil wala naman din silang natatanggap na executive order mula sa Malakanyang o sa Department of Education.

Una na rin sinabi ni Municipal Information Officer Mr. Edwin U. Domingo sa CNNews na kinumpirma ng nakararaming mga transport leaders na bumibiyahe sa bayan ng Daet na hindi sila sasama sa kilos protesta bukas at magiging normal umano ang daloy ng transportasyon sa lalawigan.

Dahil dito, muling binigyan diin ng pamahalaang lokal ng Daet sa pamamagitan ng mga nabanggit na opisyal na tuloy ang pasok bukas, (Dec. 4, 2017) sa mga paaralan sa bayan ng Daet.

Sa kaugnay na balita, ipinagpaliban ng Piston ang planong transport strike sa araw ng bukas (Lunes Dec 4, 2017)) at Martes (Dec 5, 2017) sa National Capital Region (NCR).

Ito ay bunsod ng pakiusap ng ilang Senador kabilang na si Senador Grace Poe. Subalit umaasa ang grupo ng Piston na magiging maganda ang kalalabasan ng isasagawang pubic hearing sa araw naman ng Huwebes, Disyembre 7, 2017.

Sakaling hindi umano nila magustuhan ang kalalabasan ng usapan, muli silang magtatakda ng tigil pasada sa mga susunod na araw.

Samantala, tuloy naman umano ang tigil-pasasa ng Piston sa lalawigan ng Albay. Binawi naman ni Governador Migz Villafuerte ng Camarines Sur ang nauna nang naideklatang kanselasyon ng klase.

 

#MAY_PASOK

 

Camarines Norte News