bgw2

Disyembre 4, 2017, Daet, Camarines Norte – Sinimulan na ngayong araw ang isang linggong selebrasyon ng 35th Boys and Girls Week sa bayan ng Daet.

Pagkatapos ng isinagawang flag raising ceremony sa harapan ng gusali ng Pamahalaang Bayan ng Daet kaninang umaga, pormal nang nanumpa sa harap ng mga opisyal ng LGU Daet at mga empleyado ang mga kabataang mag aaral na tatayo bilang mga counterpart o youth officials ng LGU Daet simula ngayong araw Disyembre 4 hanggang Disyembre 8, 2017.

bgw2

Pinangunahan ni Vice Mayor Connie Sarion ang panunumpa ng mga sumusunod na youth officials ng LGU Daet:

Youth Mayor: Ericka G. Cuevas ng Mabini Colleges

Youth Vice Mayor: Pia Isabel T. Yanesa ng CNNHS

Youth Councilor: Karl Sopia Marielle A. Era ng Mabini Colleges

Youth Councilor: Rijey A. Cantanilla ng Porfirio Ponayo High School

Youth Councilor:  Jona Mae Ocan  ng Porfirio Ponayo High School

Youth Councilor:  Camille Joy O. Pontentado ng Porfirio Ponayo High School

Youth Councilor:  Mia Mae M. Salcedo ng Porfirio Ponayo High School

Youth Councilor:  Shenandoah T. Uminga ng Our Lady of Lourdes College

Youth Councilor:  Ruth Antonnette T. Trapane ng Our Lady of Lourdes College

Youth Councilor:  Myell Ann D. Mercado ng Moreno Integrated High School

Youth Councilor:  Mykel H. Laviña ng Moreno Integrated High School

Youth SB Secretary: Jennifer Louise E. Agner ng Chung Hua High School

Youth Municipal Administrator: Mark Andrew Mateo ng Sarah Jane Ferrer High School

Youth Municipal Accountant: Judy Faye P. Mabeza ng Alawihao National High School

Youth Municipal DILG: Leslie S. Jacela ng Sarah Jane Ferrer High School

Pagkatapos ng seremonya ng panunumpa at paglilipat ng katungkulan, agad na nagtungo sa Session Hall ng Pamahalaang Bayan ang mga youth officials upang personal na makadaupang palad ang mga opisyal ng LGU Daet na gagabay sa kanila sa mga tungkuling kanilang gagampanan bilang mga counterpart nito.

Layunin ng pagdiriwang ang mahubog ang mga kabataan bilang mga responsableng mamamayan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng oportunidad na makilahok at magkaroon ng karanasan sa pamamalakad ng pamahalaan.

Nakatuon sa temang “Kabataan Para Sa Kapayapaan” ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong taon.

 

 

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Nardz Hernandez