rob608

Disyembre 4, 2017, Daet, Camarines Norte Sinalakay ng hindi nakilalang kawatan ang isang inuupahang bahay sa Purok 1, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte dakong 2:00 ng madaling araw kahapon, Disyembre 3, 2017.

Ayon sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, dakong 2:00 ng madaling araw kahapon nang pasukin umano ng hindi nakilalang kawatan ang inuupahang bahay ng biktimang si Janelyn Rada y Vasquez, 26 anyos, pansamantalang naninirahan sa nasambit na lugar.

Habang natutulog ang biktima kasama ang kapatid nito at mga anak, inabot at binuksan umano ng kawatan ang main door ng bahay sa pamamagitan ng kalapit nitong bintana at nang makapasok sa loob ay tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng isang (1) cellphone na nagkakahalagang Php 600.00, Php 9,000.00 halaga ng cash at isang (1) UCPB atm card.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa ninakaw na pera at kagamitan.

 

Camarines Norte News