ngcp608

Disyembre 5, 2017, Daet, Camarines Norte – Tuloy ang nakatakdang 12 oras na power service interruption sa buong lalawigan ng Camarines Norte bukas, araw ng Miyerkules mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Engr. Nelson Bautista ng NGCP sa naging panayam sa kanya ng Cool Radio News Fm kaninang umaga.

Ayon sa kanya, tuloy ang isasagawang Annual Preventive Maintenance ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa 50MVA Transformer 1 sa bayan ng Labo kung saan nakakonekta ang lahat ng linya ng CANORECO na nagsusuply ng kuryente sa buong lalawigan kung kaya’t ito ang magiging sanhi ng malawakang brownout.

Dagdag pa ng Engineer, nagkaroon na umano sila ng close coordination sa CANORECO at nagpadala ng notice pitong (7) araw bago ang nasambit na schedule ng kanilang gawain nang sa gayon ay maaari na itong sabayan ng sariling maintenance work ng nasambit na kooperatiba.

Siniguro naman ni Bautista na maaaring ibalik ang sebisyo ng kuryente bago pa ang nakatakdang oras sakaling matapos ng mas maaga ang nasambit na gawain.

Samantala aniya, kung sa hindi inaasahan ay magkaroon pa ng problema habang inaayos ang nasambit na transformer na posibleng maging dahilan ng extension ng brownout ay agad umano nila itong ipapaalam sa publiko.

 

Camarines Norte News