kalamunding1

Disyembre 6, 2017, Labo, Camarines Norte – Ngiti mula sa mga residente ng Brgy. Kalamunding sa bayan ng Labo ang sumalubong sa grupo ng Provincial Multiservices Caravan sa kanilang naging pagbisita dito kahapon ng umaga, Disyembre 5, 2017.

Dala ng nasambit na grupo ang ibat ibang serbisyo  ng Kapitolyo kabilang na ang libreng medical at dental check-up gayundin ang libreng bunot ng ngipin. Marami rin ang pumila at nabigyan ng libreng gupit at hot oil.

kalamunding2

Namahagi rin ang grupo ng mga libreng gamot, bitamina, mga pananim, reading glasses at mga food packs.

Sa naging panayam ng Cool radio News Fm kay Punong Barangay Rino Villagomez ng naturang barangay, nagpapasalamat umano siya sa ngalan ng kaniyang mga kabarangay sa mga serbisyog ipinapaabot ni Gov. Egay Tallado sa kanila.

Hiling umano niya na patuloy na maging maganda at matatag ang panunungkulan ng Gobernador dahil nakikita umano ng mga tao ang mabilis at mahusay na serbisyo ng Kapitolyo sa pamumuno nito at a tulong na ni Vice Gov. Jonah Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Bukod sa Brgy. Kalamunding ay tinungo rin ng dalawa pang grupo ng Caravan ang Brgy. Cabusay at Brgy. Gumamela sa naturang bayan.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopoulos