top1

Enero 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Kinilala ng Pamahalaang Lokal ng Daet, Camarines Norte sa pamamagitan ng pagbibigay parangal ang mga business establishments na may malaking kontribusyon o buwis na inilalagak sa kaban ng bayan ng Daet.

Ngayong araw, pinangunahan ni Mayor Benito “B2K” Ochoa at ni Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla-De Luna sa pamamagitan ng Go Negosyo Center na pinamamahalaan ni Mrs. Ma. Eliza H. Llovit ang magkasabay na pagbubukas ng Business One-Stop-Shop o BOSS at ang Awarding ng TOP PERFORMING BUSINESS ESTABLISHMENT FOR 2017 sa nasabing bayan.

top4

top2 top3

Ipinaliwanag ni Municipal Treasurer Rodante Forbes ang naging batayan ng kanilang pagpili ng Top 10 Performing Business Establishment at kabilang dito ang pagtalima ng mga nag mamay ari ng mga negosyo sa mga alituntunin ng pamahalaang lokal at gayudin ang halaga ng buwis na nailagak nito sa kabang bayan ng Daet.

Sa mensahe ni Mayor Benito Ochoa, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lahat ng mga tax payers sa bayan ng Daet at sa pakikiisa ng mga ito sa mga programa ng kanyang administrasyon.

Malaking tulong anya ang buwis mula sa mga namumuhunan sa bayan ng Daet dahil dito rin nagmumula ang pondong ginugugol sa mga proyekto ng pamahalaang lokal.

Tiniyak naman ni Mayor Ochoa na ginagawa din nila ang lahat ng paraan upang mabigyan ng pantay ng suporta at pagpapahalaga ang mga mamumuhunan at ang mga konsumedores at mamimili.

Samantala, narito ang mga mapalad na nabigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lokal ng Daet bilang Top 10 performing Business Establishment for 2017:

Top 1 – SUPER SHOPPING MARKET INC. (SM Hypermarket)

Top 2 – PMFTC INC.

Top 3 – STARHARVEST FOOD INC. (Jollibee – F. Pimentel)

Top 4 – JACK TRADING INC. (Houseware Plaza Superstore)

Top 5 – CITISTORES INC. (Centro Department Store)

Top 6 – MR. PAUL SEBASTIAN D. TANZO (P. Tanzo Prime Goods Source)

Top 7 – BICOLANDIA DRUG CORP. (Mercury Drug Daet)

Top 8 – COCA COLA FEMSA PHILS. INC.

Top 9 – MR. JORGE TAN (Stance Sales and Distributor)

Top 10 – FAMILY MERCHANT PROJECT DEVELOPMENT CORP.

top.sm

top.jbee

top.jack

top.centro

top.mercury

 

 

Camarines Norte News