daet-608-new

Enero 7, 2017, Daet, Camarines Norte – Labis ang panlulumo ng isang dalaga matapos matangayan ng mamahaling cellphone habang kumakain sa isang restaurant sa Barangay IV Mantagbac, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon, Enero 5, 2017.

Kinilala ang biktimang si Nicole Templonuevo, 23 anyos, dalaga at residente ng Purok 1,Barangay Mabilo I, Labo Camarines Norte.

Base sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, kumakain umano sa Living Room Restaurant sa nasambit na lugar ang biktima kasama ang mga kaibigan habang nakapatong sa kanilang lamesa ang pag aari nitong IPhone 5.

Makaraan ang ilang sandali ay napansin umano ng biktima na nawawala na ang nasambit na cellphone at nakita ang isang hindi nakilalang lalaki na mabillis na tumatakbo mula sa naturang lugar na pinaniniwalaang tangay ang nawawalang cellphone base na rin sa cctv footage na nakuha sa lugar.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet PNP ukol sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli ng tinangay ng gadget.

 

Camarines Norte News