S.ELENA608

Enero 8, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng isang padre de pamilya sa bayan ng Sta. Elena matapos madakip ng mga otoridad dahil sa dalawang kaso ng Robbery by the Use of Force Upon Things na kinakaharap nito.

Kinilala ang suspek na si Marvin Romero y Talento, 44 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte.

Nadakip si Romero ng pinagsanib na pwersa ng Capalonga Municipal Police Station (MPS), Daet MPS, Camarines Norte Provincial Mobile Force Company at Sta. Elena MPS dakong 2:30 ng hapon nitong nakatalikod na araw ng biyernes sa Purok 11, Barangay Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Nabatid na may dalawang kaso ng Robbery by the Use of Force Upon Things na kinakaharap ang suspek at naaresto ito sa bisa ng warrant of arrests na ibinaba ng korte laban dito.

Ang isang warrant of arrest ay para sa criminal case number 16618 na ibinaba nito pang nakatalikod na  Marso 2, 2015  ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court Branch 41, Camarines Norte habang ang isa pa ay nakapailalim sa criminal case number 17-3234 na ibinaba ni Judge Roberto A. Escaro ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte nitong nakatalikod na Marso 31, 2017.

Nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang nasambit na suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News