BASUDMPS608

Enero 8, 2017, Basud, Camarines Norte – Arestado sa paglabag sa R.A. 8294 ang isang magsasaka sa bayan ng Basud.

Base sa tala ng Basud Municipal Police Station, dakong 6: 45 ng umaga kahapon ng maaresto sa Purok 2, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte ng mga personel ng kanilang himpilan ang suspek na si Allan Candelaria y Vidaloste, 33, anyos, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy Langga ng parehong bayan.

Nadakip si Candelaria sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Agosto 3, 2012 ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte para sa paglabag sa R.A. 8294 (An act amending the provisions of Presidential Decree No. 1866, as amended, entitled “Codifying the laws on illegal/unlawful possession, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunition or explosives or instruments used in the manufacture of firearms, ammunition or explosives, and imposing stiffer penalties for certain violations thereof, and for relevant purposes.”) sa ilalim ng  criminal case number 13864.

Nasa kustodiya na ng Basud MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News