daet-608-new

Enero 10, 2017, Daet, Camarines NorteSinilbihan ng warrant of arrest ang isang construction worker na kasalukuyang nakadetine sa Camarines Norte Provincial Jail  dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa report ng Daet Municipal Police Station, dakong 11:15 ng umaga kahapon ng silbihan ng w.o.a. para sa kasong paglabag sa Section 12, Article II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)  si Armando Casiano y Sapurco, alias “Pongay”, 51 anyos, may asawa,  residente ng Purok 3, Brgy Cobangbang, Daet, Camarines Norte  at kasalukuyang nakadetine sa nasambit na piitan.

Ang nasambit na w.o.a. ay ibinaba ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court – Branch 41, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Disyembre 15, 2017.

Nabatid na nasa kustodiya ng CNPJ ang nasambit na suspek dahil sa una nang nakabinbing kaso nito sa Regional Trial Court – Branch 38, Daet, Camarines Norte para sa Violation of Section 11, Article II of RA 9165.

 

Camarines Norte News