san-vicente608

Enero 12, 2018, San Vicente, Camarines Norte – Kulungan ang bagsak ng ika 8 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng San Vicente Municipal Police Station para sa buwan ng Enero 2018 matapos maaresto dakong  12:00 ng tanghali kahapon sa Purok 7, Brgy Alawihao, Daet Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Alex Duave y Sancho, 46 anyos at residente ng Purok 6, Brgy. San Jose, San Vicente, Camarines Norte.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Winston S. Racoma ng Regional Trial Court, Branch 39, Daet Camarines Norte nitong nakatalikod na Hunyo 13, 2017, inaresto si Duave ng mga personel ng San Vicente MPS sa salang paglabag sa RA 10591 (Law on Firearm and Ammunitions) sa ilalim ng criminal case number 18259.

Nabatid na may Php 200,000.00 halaga ng piyansa para sa naturang kaso.

Nasa kustodiya ng nasambit na himpilan ng kapulisan ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News