• Impact
  • Interesting news?

DISTRIBUTION OF MEDICINE SA MGA BRGY SA DAET, PATULOY NA ISINASAGAWA NI VICE MAYOR AHLONG ONG!

Nagpapatuloy ang isinasagawang pamamahagi ng mga gamot sa mga barangay dito sa bayan ng Daet ni Vice Mayor Ahlong Ong.

608-Brgy-IV

(Photo By: Ricky Pera)

Kahapon, Abril 30 tumungo sa Brgy IV, Mantagbac ang grupo ni Vice Mayor Ong kasama ang kanyang maybahay para i-turn over sa health center ng Brgy IV na tinanggap naman ng mga Health workers at mismong ni Punong Brgy. Sonia K. Bermas. Kahapon din ay naikot ng grupo ni Vice Mayor Ong ang dalawamput limang Brgy ng Daet.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang pamunuan ng mga Barangay sa Bise Alkalde kaugnay sa naturang tulong para sa kanilang mga namamaranggay.

Plano din ni Ong na magsagawa din ng mga medical mission sa mga susunod pang araw katulad na rin ng mga nauna na nitong naisagawa. Magugunitang nito pang mga nakatalikod na taon, bago pa man nahalal bilang bise alkalde si Ong ay palagian na itong namimigay ng mga gamot at nagsasagawa ng mga medical missions sa mga brgy bilang bahagi ng kanyang adbokasiya.

 

Nag uulat, 

John Paul “JP” De Leon

CNNews, Correspondent

 

More NEWS?

Visit our HOME                                    For Daily News Update                     Follow us on Twitter

LOGO-CNN-150-X-65                   LOGO-FB-150-X-65                 twitter---150