palaro1

Pebrero 5, 2018, Naga City РIniaalay sa mga mamayan ng Albay ang pagbubukas  ng Palarong Bikol 2018 na kasalukuyang ginaganap sa Metro Naga Sports Complex sa Naga city ayon sa mensahe ni VP Leni Robredo sa pagbubukas  nito.

palaro2

Muling magtatagisan sa 27 sports events na kung saan 24 ang regular events at 3 ang demonstration sports na paglalabanan ng nasa 8,221 atleta na nagmula pa sa ibat ibang syudad at probinsiya sa Bicol.

Bagamat nasa mabigat na kalagayan ang lalawigan ng Albay dahilan sa pagputok ng bulkang Mayon, di nagpatinag ang nasa 964 na manlalaro mula dito na siyang pinakamarami ang bilang. Sinundan ito ng defending champion na Camarines Sur na may 928 atleta, Naga city na may 827, Camarines Norte 724, Legazpi city 715, Catanduanes 628, Masbate province 620, Iriga city 498, Masbate city 476, Tabaco city 441, Sorsogon city 408, at Ligao city na may 332 atleta.

1, 100 na mga technical officials naman ang mangangasiwa sa naturang palaro na magtatagal ng halos isang linggo na nagsimula nitong nakatalikod na Pebrero 3, 2018, araw ng biyernes.

 

Orlando Encinares

Camarines Norte News