arrest.temp650

Pebrero 8, 2018, Labo, Camarines Norte – Kalaboso ang isang magkakabod matapos mahuling nagnakaw sa isang tahanan sa Purok 2, Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte dakong 10:35 ng umaga kahapon, Pebrero 7, taong kasalukuyan.

Kinilala ang suspek na si Allan Cedo y Sedanto, 36 anyos, binata, magkakabod at residente ng Purok 7, Brgy. Sta Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police Station, galing umano sa labas ng tahanan nito sa nasambit na lugar ang biktimang si Rosman Jalimao y Asis, 33 anyos, may asawa at isang tricycle driver, nang magulat na lamang ito sa kaniyang pagbalik dahil nawawala na sa loob ng bahay ang itim na black Archos Music and Video storage, My Phone cellphone at Toshiba TV 32’ flat screen.

Napansin din umano ng biktima na sira ang padlock ng pinto sa likurang bahagi ng bahay, indikasyon na pwersahan itong pinasok kaya dali dali itong tumakbo patungo sa naturang pinto at doon na nito nakita ang suspek na nagmamadaling umalis dala-dala pa ang mga ninakaw na kagamitan.

Wala nang nagawa pa ang suspek nang maaresto ng biktima at agad na dinala sa Labo MPS.

Sa parehong araw ay sinampahan na rin ng kasong Robbery ang suspek matapos ang inquest proceeding sa Provincial Prosecution Office, Daet, Camarines Norte sa ilalim ng criminal case number NPS-V-09-INQ-18B-03173 na may inirerekomendang halaga ng piyansa na Php 24,000.00.

Nasa kustodiya na ng Labo MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

 

Camarines Norte News