Gov-Egay-608

Pebrero 9, 2018, Daet, Camarines Norte – Tinipon ng binuong Provincial Oversight Committee ang 282 punong barangay at mga kinatawan nito sa lalawigan ng Camarines Norte sa layuning tuluyang matuldukan ang problema sa ilegal na droga sa lalawigan at maideklara itong Drug Free Camarines Norte.

Ngayong araw isinagawa ang pagtitipon sa Wiltan Conference Hall dito sa bayan ng  Daet na tinawag na “Pulong Pulong Kontra Droga” na may temang Being Drug Free, is Everybody’s Responsibility

Magkakatuwang na isinulong ito ng nabanggit na Kometiba na pinangungunahan nina Governor Edgardo Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel, Provincial Administrator Alvin Tallado, kasama din ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Mayor’s League, Camarines Norte Chapter, Liga ng mga Barangay, at ilan pang ahensya ng pamahalaan.

Maliban kina Gobernador Egay Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado, dumating din sina PDEA Regional Director Christian Privaldo, Dr. Evy Sarmiento ng Regional Office ng DOH, Marian Monzalda ng DSWD Regional Office, DILG Provincial Director Renato Alaurin, Board Members Muriel Pandi at Artemio Sendon, Camarines Norte PNP Provincial Director SSupt. Cerilo Trilles, dumating din ang kinatawan ng 902nd Brigade ng Philippine Army na si Major Armando Benito.

Sa mensahe ni Gobernador Tallado, umapela ito sa mga punong barangay at lahat ng stakeholders na paigtingin pa ang pagtutulungan at pagkilos upang tuluyan nang malinis ang buong lalawigan sa ilegal na droga.

Take-Oath-608

Nais ng Gobernador na sa lalong madaling panahon ay maideklara na rin bilang drug free ang kahit sa kalahati ng Camarines Norte, kabilang na ang mga bayan ng San Vicente ang San Lorenzo Ruiz na dahil lamang sa kakulangan sa lang mga dokumento ay naaantala ang pagdedeklara ng nasabing mga bayan bilang Drug Free.

Pinasalamatan din ni Tallado si Punong Barangay Peter Musa na pinakaunang Punong Barangay sa lalawigan ng Camarines Norte na naghikayat sa kanyang mga kabaranggay na sangkot sa droga na sumuko at ituwid ang pamumuhay.

Sa ngayon ay buo ang loob ni Governor Tallado na suportahan ang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga, lalo’t higit para sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nagpahayag naman ng Pledge of support para sa naturang hangarin ang lahat ng mga punong barangay sa lalawigan at ang Mayor’s League Camarines Norte Chapter sa pangunguna ni Mayor Francis Ong at maging ang mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan na dumalo sa pagtitipon.

PBs-608

anti-drugs-608

Nagpaabot din ng suporta sa naturang layunin ang mga alkaldeng dumalo, na sina Mayor Benito Ochoa ng Daet, Dong Padilla ng Jose Panganiban, Lourdes Briguera ng Paracale, Adrian Davuco ng Basud, Joseph Ascutia ng Labo, Senandro Jalgalado ng Capalonga, Nelson De Los Santos ng San Lorenzo Ruiz, at ang kanilang pangulo sa Liga na si Mayor Francis Ong.

Samantala, kanina din, idineklara nina Gobernador Edgardo Tallado bilang Drug Free Barangay ang Barangay Hinampakan, Tuaca, Mantugawe, San Pascual, Pinagwarasan at mampili, pawang mga barangay mula sa bayan ng Basud.

Ang nasabing aktibidad ay bunga ng isinagawang pagpupulong ng binuong Provincial Oversight Committee na pinangasiwaan ni Provincial Administrator Alvin Tallado kamakailan na nagsisilbing implementing arm ng Regional Oversight Committee na naglalayong tugunan ang problema sa ilegal na droga sa lalawigan at rehiyon.

 

Rodel Llovit/Nardz Hernandez

Photo: Luigi Quirubin

 

Camarines Norte News