pbicol608

Pebrero 11, 2018, Daet, Camarines Norte –  Nakamit ng delegasyon ng Camarines Norte ang ikaapat (4th) na puwesto sa over all ranking ng katatapos lamang na Palarong Bicol 2018 na ginanap sa lungsod ng Naga.

Kasabay nito, naiuwi ng mga atletang Camnorteño ang kabuuang 55 gold medals, 44 silver medals at 61 bronze medals mula sa ibat ibang larangan ng palakasan.

Bigo mang masungkit ang kampeonato, buong pagmamalaki pa ring sinalubong ng mga sumusuporta sa lalawigan ang mga manlalarong hindi matatawaran ang ipinamalas na husay sa kani kanilang larangan dahilan para makapasok ang delegasyon sa First 5 mula sa labintatlong (13) delegasyon na naglaban laban mula sa ibat ibang siyudad at probinsiya sa rehiyong Bicol.

Samantala, muling nasungkit ng delegasyon mula sa Camarines Sur ang kampeonato o unang puwesto sa naturang Palaro habang ang Albay naman ang nakakuha ng ikalawang puwesto na sinundan naman ng delegasyon ng Naga sa ikatlong puwesto. Pasok rin sa frst 5 ang Tabaco city na nakuha ang kalimang puwesto.

 

Camarines Norte News

Photo courtesy of Camarines Norte Provincial Information Office Fb Page