BIR-2-608

TAX CAMPAIGN NG BIR SA CAMARINES NORTE PARA SA 2018, SINIMULAN NA NGAYONG ARAW!

Pebrero 12, 2018, Talisay, Camarines Norte – Pormal nang pinasimulan ngayong araw ang malawakang tax campaign para sa lalawigan ng Camarines Norte para sa taong 2018.

Pinangunahan ito ni Revenue District Officer Socorro Ramos-Lafuente ng RDO 64 (Talisay) kasama ang mga kawani ng nasabing kawanihan.

Sa panayam ng Cool Radio News FM at Camarines Norte News, nanawagan si Lafuente sa lahat ng mga tax payers na huwag nang hintayin pa ang mga huling araw ng deadline upang makaiwas na rin sa mahabang pila na madalas nagiging kaugalian ng mga mamamayan.

Anya, hanggang alas alas singko ng halon lamang sila sa Abril a-15 at wala na itong extension kung kaya’t hindi na dapat pang malagpasan ito upang makaiwas din sa malaking multa.

BIR-1-608 BIR-5-608

Sa ngayong taong 2018, umaabot sa 1.011 Billion pesos ang kanilang target collection sa Camarines Norte, 14% na mas mataas sa nakalipas na taon, na ayun sa nasabing opisyal ay kakayanin nilang maabot sa lahat ng paraan.

BIR-4-608 BIR-3-608

Kasabay ng Kick Off ng Tax Campaign for 2018, inilunsad din ngayong umaga sa BIR Talisay, ang kanilang official campaign logo na may temang “Salamat Sa’yo”.

Paliwanag ni Ginang Lafuente, layunin ng kanilang temang “Salamat Sa’yo” ay mapasalamatan ang mga tax payers at maging ang mga kawani ng BIR sa buong bansa sa kanilang sipag sa pagtatrabaho makamit lamang ang layuning makalap ang pondong laan para din sa mga gastusin at programa para sa mga mamamayan ng bansa.

Nardz Hernandez/Rodel M. Llovit

Camarines Norte News