drug608

Pebrero 12, 2018,Sta. Elena, Camarines Norte – Timbog sa ikinasang buy bust operation kontra ilegal na droga ng otoridad ang isang magsasaka sa bayan ng Sta. Elena.

Isinagawa ang naturang operasyon ng mga personel ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 5, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dakong 9:30 kagabi sa bahagi ng Maharlika Highway, Purok 1, Barangay Plaridel, Santa Elena, Camarines Norte.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa suspek na si Roniel Mojico y Andes, 23 anyos, binata,magsasakaat residente ng  Sitio Pag-asa, Brgy Tabugon ng parehong bayan.

Positibong nakuha mula kay Mojico ang isang (1) maliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy bust drug), isang (1) Php 500.00 bill at isa pang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska rin mula dito ang isang (1) unit ng cellphone at pera sa ibat ibang denominasyon.

Nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasog isasampa dito para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

 

Camarines Norte News