market608

Pebrero 12, 2018, Daet, Camarines Norte – Muling sinuyod ng Daet PNP at Market Guards ang kahabaan ng Felipe Segundo St. sa bayan ng Daet kaninang umaga upang magsagawa ng clearing operations.

Ang nasambit na operasyon ay isinagawa upang tanggalin o maalis ang mga illegal extensions ng mga tindahan at mga ambulent vendors sa nasambit na lugar.

Kasabay ding isinagawa ang pagsasaayos ng mga parking areas ng mga tricycle upang mas maging mabilis ang daloy ng trapiko dito.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay PInsp. Arthur Yanto ng Daet PNP, kanilang lilinisin ang kahabaan ng Felipe Segundo St. hanggang sa dulo ng Pineapple St. sa ma bahagi ng Daet Public Market.

Aniya, nagbigay na rin sila ng instruction na itatalaga ang kaliwang dulo lamang ng kalsada bilang loading and unloading zone ng mga hauler na nagbabagsak ng paninda upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa naturang lugar.

Ang nasambit na pagkilos ay upang mapanatili ang kaayusan sa paligid ng pamilihang bayan.

Nabatid na mahigpit man ang paalala ng kapulisan ukol sa oras ng pagtitinda at pag alis sa nasambit na kalsada gayundin ang paglalagay ng extensions ng mga tindahan ay may mga matitigas pa rin ang ulo na lumalabag dito.

 

Camarines Norte News