vinzonsmap608

Pebrero 13, 2018, Vinzons, Camarines Norte – Pinasok ng hindi nakilalalg kawatan ang tahanan ng isang barangay health worker sa of Purok 5, Sitio Lubhag, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Base sa imbestigasyon ng Vinzons Municipal Police Station, dakong 6:00 ng umaga kahapon, Pebrero 12, 2018 nang madiskubre ni Ginang Agnes Del Barrio y Canaria, 57anyos, may asawa at Federation President ng Barangay Health Worker (BHW) Camarines Norte Chapter na nawawala na ang Azus cellphone at kulay puting Samsung galaxy tablet na pag aari ng Local Government Unit ng Vinzons na nagkakahalagang Php 14,000.00  na nakapatong lamang sa lamesa sa loob ng kaniyang tahanan.

Pinaniniwalaang ninakaw ito ng hindi nakilalang suspek na nakapasok sa naturang bahay sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga glass grills ng bintana.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Vinzons MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa tinangay na gadget.

 

Camarines Norte News