OTOP608

Pebrero 13, 2018, Daet, Camarines Norte – Hawak na ngayon ng LGU Daet ang tseke na mula sa Department of Industry (DTI) na gagamitin bilang pondo para sa One Town One Project ng naturang bayan.

Kamakailan lamang ay pinangunahan ni DTI-Camarines Norte Provincial Director Cynthia G. Olaguer ang pagturn over ng tseke na nagkakahalagang Php 1.13 million sa LGU Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa.

Kasama sa isinagawang turn over sina Municipal Treasurer Dante Forbes, DTI Business Development Division Head Christie A. Rivera at Daet-Negosyo Center Manager Ma. Eliza H. Llovit.

Gagamitin ang nasambit na halaga upang pondohan ang proyektong Yaman Pinoy-Development of Pineapple Candies, Pineapple Soap at Pineapple Scent ng bayan ng Daet na siyang itatampok bilang One Town One Product nito.

Magugunitang ang One Town One Product (OTOP) ay isa sa mga stimulus program ng DTI para sa mga Micro and Small and Medium-scale Enterprises (MSMEs) upang matulungan ang mga ito na maingat ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang matukoy, madevelop at maipromote ang mga ipinagmamalaking produkto sa kanilang lokalidad o ang kanilang “pride of place”.

 

Camarines Norte News