swmp1

Pebrero 21, 2018, Daet, Camarines Norte – Isinagawa ngayong araw sa conference hall ng Daet municipal building ang pagpupulong ng Solid Waste Management Board (SWMB) ng LGU Daet upang talakayin ang mga hakbangin sa isinisulong ng Ochoa administration na 10 Years Solid Waste Management Program sa bayan ng Daet.

Pinangunahan ni Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla – De Luna ang pagppupulong na dinaluhan ng mga personalidad mula sa ibat ibang opisina na bumubuo sa SWMB. Kabilang dito ang PNP Daet, MENRO,MSWDO,MDRRMO,MIO,MPDO,DILG at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

swmp2

swmp3

Sa naturang pagpupulong inilatag ni Gng. Emily Palomiano ng MPDO ang nilalaman ng plano na naglalayong mawakasan na ang nakakaalarmang problema sa basura na kinakaharap ng bayan ng Daet  bunsod ng pagsasara at pagpapatigil ng pagtatapon ng mga basura mula sa mga barangay sa open dumpsite ng bayan ng Daet.

Ilan din umano sa mga dahilan ng problema ay ang kawalan ng opisina ng MENRO, hindi maayos na implementasyon ng  Ecological Solid Waste Management (ESWM ) sa lebel ng mga barangay at kawalan ng Implementing Rules and Regulations na magsisilbing gabay sa sistema ng ESWM.

Bilang tugon sa mga nasambit na problema, binuo ng technical working group ng LGU Daet ang 10 Year Solid Waste Management Plan na nakaamyenda sa Municipal Ordinance No. 252 – 2013 o mas kilala bilang Environmental Code of Daet. Nakapaloob dito ang implementing rules and regulations ng Environmental Code kung saan ang MENRO ang naatasang institusyon na magpatupad nito. Nakapaloob din dito ang pagtatayo ng Categorized Sanitary Landfill Facility gayundin ang pagkakaroon ng Material Recovery facility at makabagong teknolohiya para sa recycling at waste diversion.

Isusulong rin ang pagkakaroon ng malawakang information and education campaign upang mapabatid sa mga Daeteño ang kahalagahan ng tamang pamamahala sa basura at ang mauting idudulot nito sa pagkakaroon ng malinis at malusog na kapaligiran.

Nabatid na ang problema sa basura ang isa sa pinakamalaking hamon na dinatnan ni Mayor Benito “B2K”Ochoa mula nang mahalal bilang alkalde ng bayan ng Daet kaya naman lubos ang pagsusumikap nito na hindi lamang mawakasan bagkus ay hindi na maulit pa ang katulad na problema sa pamamagitan ng mabisa at pangmatagalang solusyon.

 

Camarines Norte News