arrest.temp650

Pebrero 21, 2018, Jose Panganiban, Camarines Norte – Kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons ang kinakaharap ngayon ng dalawang binata sa bayan ng Jose Panganiban matapos maaresto sa panghoholdap sa isang dalaga sa nasambit na bayan.

Sa tala ng Jose Panganiban Municipal Police Station, dakong 11:28 ng gabi kamakalawa habang naglalakad sa Maligat Street, Barangay South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte, ang biktimang si Shirlyn Occiano y Rebanal, 21 anyos, dalaga at residente ng Sitio Tumbaga, Purok 6, Barangay San Rafael ng nasambit na bayan, nilapitan umano ito ng dalawang lalaki kung saan tinutukan ito ng kutsilyo at nagdeklara ng hold up.

Pwersahan umanong kinuha ng dalawang suspek ang Iphone 4s na pag aari ng biktima na nagkakahalagang mahigit Php 4,000.00.

Kinilala ang mga ito na sina Elexyr Azores y Campos, 24 anyos, binata, construction worker, residente ng Purok 3, Barangay Motherlode at Mark Sarit y Mendez, 21 anyos, residente ng  Purok 3, Barangay Sta Elena ng parehong bayan.

Agad namang naaresto ang mga suspek ng mga rumispondeng kapulisan.

Kahapon ay pormal nang sinampahan ng kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons ang dalawa matapos ang inquest proceedings na sisnagawa ni  Judge Madonna Gay L. Escio ng Provincial Prosecution Office, Daet, Camarines Norte.

Nasa kustodiya na ng otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News