san-vicente608

Pebrero 25, 2018, San Vicente, Camarines Norte – Pormal nang sumanib bilang mga bagong kaalyado ni Mayor Francis Ong ng bayan ng San Vicente ang limang (5) miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Vice Mayor Tony Villamor ng naturang bayan, kinumpirma nito na nitong nakatalikod na Pebrero ay tahasan nang nagkumirma sa opisina ng alkalde sina Konsehal Bobis, Konsehal Asis, Konsehal Magana, Konsehal Dames at Konsehal Palma na dating mga miyembro ng kabilang partido.

Nabatid na ang nasambit na mga lingkod bayan ay nasa ilalim ng liderato ni dating Mayor at ngayon ay Sangguniang Panlalawigan member na si Bokal Stanley Alegre.

Una nang naiulat ang paglipat ni Bokal Alegre sa partidong PDP- Laban na kinabibilangan ni Gov. Egay Tallado bagay na iginagalang umano ng mga opisyal sa bayan ng San Vicente.

Kaya naman upang mas mapatatag pa ang samahan bilang mga lingkod bayan na nagkakaisa sa iisang layunin na mapaganda at mapaunlad ang bayan ng San Vicente, bukas palad na kinumpirma ni Mayor Ong ang nasambit na mga konsehal hindi lamang bilang mga kasamahan sa panunungkulan kundi pati na rin mga kasamahan sa pulitika.

Bago pa man ang kumpirmasyon ay hindi na rin umano maitatanggi ang pakuikiumisa ng mga nasambit na konsehal sa mga proyekto at pagawain ni Mayor Ong.

Inaasahan na rin ang panunumpa ng mga ito sa tanggapan ni Gov. Egay Tallado.

 

 

Camarines Norte News