6

Marso 2, 2018, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na isinagawa ng Municipal Tourism Office ng Lokal na Pamahalaan ng Daet ang tatlong araw na Sining Galing Year 9 kaugnay ng pagdiriwang ng National Arts Month Celebration ngayong buwan ng Pebrero, 2018.

Ang Sining Galing ay proyektong kinapalooban ng ibat ibang mga aktibidad at patimpalak na nagtampok sa natatanging galing sa larangan ng sining ng mga kabataang Daeteño.

Sinimulan ang naturang proyekto nitong nakatalikod na Pebrero 26, taong kasalukuyan sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Leave your legacy, leave your line” kung saan isinulat ng mga kawani ng gobyerno ang mga aral at mensaheng nais nilang ipabatid sa mga susunod na henerasyon.

Sa sumunod na araw naman, Pebrero 27, 2018 ay isinagawa ang ibat ibang patimpalak na  naglalayong maisulong ang musika, literatura at visual arts ng gating bansa lalung lalo na ng bayan ng Daet. Nilahukan ito ng mga mag aaral  mula sa mga public, private at technical vocational schools nasambit na bayan na hinati sa dalawang kategorya- elementaya at sekondarya.

Kabilang sa patimpalak na isinagawa sa nasambit na araw ay ang digital photo competition, logo design competition, smart talk competition at story telling competition.

Bago magsimula ang mga patimpalak ay nagbigay ng overview tungkol sa naturang proyekto ang punong abala sa naturang proyekto na si Municipal Tourism Officer ng LGU Daet na si Sir Marco Paulo Delfinado at nagpaabot rin ng mensahe si Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla – De Luna sa ngalan ni Mayor Benito “B2K” Ochoa.

Ginanap naman ang vocal solo competition sa huling araw ng proyekto nitong nakatalikod na Pebrero 28. Nagkaroon din ng exhibit kung saan itinampok ang mga entries ng mga kalahok sa mga visual competitions na una nang isinagawa.

Sa parehong araw ay itinanghal na rin ang nagwagi sa mga patimpalak. Sila ay ang mga sumusunod:

Story Telling Competition

1st Place : Lemuel Uzziah N. Rosario – Zion Christian Academy Foundation Inc.

2nd Place: Rv Gaile Resco – Gregorio Pimentel Memorial School

3rd Place: Simply Shane Lacat – Gregorio Pimentel Memorial School

1

Smart Talk Competition ( Secondary Level )

1st Place: Bea Carmela Escoto – Vicente L. Basit Memorial High School

2nd Place: Demi Ruth E. Elen – Camarines Norte National High School

3rd Place: Daniela Ann M. Varin – Mce Academy Inc.

2

Logo Making Contest ( Elementary Level )

1st Place: Francesca V. Salen – Moreno Integrated School

2nd Place: Gwyneth M. Puso – Mantagbac Elementary School

3rd Place: Marian A. Jacinto – Daet Elementary School

3

Logo Making Contest ( Secondary Level )

1st Place: John Rennier A. Mera – The Ripple Of Hope Skills And Technology Institute Inc.

2nd Place: Jay Mark De Jesus I – Northills College Of Asia

3rd Place: Joshua Puso – Camarines Norte National High School

Digital Photo Contest ( Elementary Level )

1st Place: Juan Raphael C. Abcede – Daet Elementary School

2nd Place: Julbert Jose Villagomez – A. Pabico Abordo Elementary School

3rd Place: Desiree F. Candelaria – Julia B. Abilgos Elementary School

Digital Photo Contest ( Secondary Level )

1st Place: Josiah Royce M. Zantua – Mabini Colleges Inc.

2nd Place: Micheal Angelo S. Yarte – Camarines Norte National High School

3rd Place: Stephanie Chloe Yanto – Aclc College Of Daet

4

Vocal Solo Contest ( Elementary Level )

1st Place: Justin Yago – Alawihao Elementary School

2nd Place: Angela E. Seson – Moreno Integrated School

3rd Place: Ismael Marco – Mantagbac Elementary School

Vocal Solo Contest ( Secondary Level )

1st Place: Arianne G. Ropan – Microsystem College Foundation

2nd Place: Karen Bagis – Moreno Integrated School

3rd Place: Daniel Cervantes – Porfirio R. Ponayo High School

5

Ang mga nagwagi ay tumanggap ng premyo na P1,500.00 g tropeo, medalya at sertipiko  para sa unang puwesto habang Php 1,000.00 at P500.00,  medalya at sertipiko naman para sa ikalawa at ikatlong puwesto.

Layunin ng taunang Sining Galing na mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya sa iba’t ibat uri ng sining, maging bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month at mahikayat ang pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng komunidad lalung lalo na ng akademiya.

 

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of LGU Daet Municipal Tourism Office