calaguas608

Marso 4, 2018, Daet, Camarines Norte – Iminungkahi ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado kay Senate Tourism Committee Chairwoman Senator Nancy Binay ang Calaguas Island sa bayan ng Vinzons bilang panibagong destinasyon ng mga turista sa gitna ng usapin ng pansamantalang pagpapasarado at pagsasaayos ng Boracay Island.

gov608

Kaninang umaga, sa programa ni Cezar Chavez sa RHTV, bisita sa programa si Senador Nancy Binay at kabilang sa mga natalakay ay ang usapin ng pansamantalang ipasarado ang isla ng Boracay upang ito ay maisaayos, sa gitna ng mga problemang kinakaharap nito.

sen.nancy608

Ipinagmalaki ni Tallado ang kagandahan ng Calaguas Island na anya’y mas maganda pa kesa sa Boracay, bagay na syang pumukaw ng interes ni Senador Nancy Binay na personal na puntahan ang isla. Anya, isasama din nya ang mga kapwa senador upang personal nilang masaksihan ang kagandahan Calaguas.

Ipinangako din nito na tutulungan sa development ang isla, sa pamamagitan ng pagpapatayo ng ilang mga istrakturang kakailanganin dito. Maging sa marketing ng isla ay tutulong din ang senadora.

Kaugnay nito, inimbitahan na rin Binay sa kanyang tanggapan sa senado sa susunod na linggo si Mayor Norie Segundo ng bayan ng Vinzons at si Governor Egay Tallado kabilang na rin si Provincial Tourism Officer Bong Palma upang mapagusapan ang kung anong tulong ang maibibigay ng senado sa nasambit na isla.

 

(RELATED NEWS) SEN. BINAY, TUTOL SA PAGPAPASARA NG BORACAY HABANG ISINASAAYOS ITO!

Samantala, tutol naman si Senate Tourism Committee Chairwoman Senator Nancy Binay sa pagpapasarado ng Calaguas Island habang isinasaayos ito.

Ito ay sa pangambang maraming mga maaapektuhan, hindi lamang ang income mula sa mga turismo kundi maging sa mga negosyante at mga naninirahan at naghahanapbuhay dito. Anya, umaabot sa humigit kumulang 56 bilyong piso ang kinikita ng isla sa loob ng isang taon kung kaya’t hindi ito dapat na basta basta ipasara. Malaki anya ang epekto nito sa ekonomiya kung ito ay maipasasara kahit na dalawang buwan lamang.

Iminungkahi ni Senator Binay na maaari na lamang magkaroon ng moratorium sa kontruksyon o development ng mga establishimento sa lugar habang isinasagawa ang pagsasaayos. Kinakailangan din anyang magbuo ng isang “authority” na syang mangangasiwa ng pagsasaayos at magpapatupad ng mga alituntunin sa isla upang maiwasan na rin ang pulitika dito.

Nag ugat ang usapin ng pagpapasarado pansamantala ng Boracay matapos na mismong si pangulong Rodrigo Duterte na ang nagmungkahi ng pagpapasarado nito upang matugunan ang malaking problema sa Isla, kabilang sa mga kinakailangang isaayos ang hindi maayos na waste disposal na nakakaapekto na sa kalinisan ng tubig sa dagat. Gayundin ang nagsulputan at itinayong mga istruktura na lumagpas na sa limitasyon na nagiging dahilan upang masira ang natural na kagandahan ng isla.

 

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News