arts1

Marso 5, 2018, Daet, Camarines Norte – Binigyang parangal ang mga natatanging mag aaral na nagpakita ng angking husay sa larangan ng sining sa katatapos kamakailan na arts contest kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, 2018.

Pinangunahan ng  Bureau of Fire Protection -Daet sa pamumuno ni Municipal Fire Marshall SInsp Adonis D. Osea at LGU Daet sa pamamagitan ni Municpal Administrator Joan Kristine T. De Luna at Mr.Santiago Mella Jr, Hepe ng MDRRMO Daet kasama rin si  Mrs. Deomedesa Arandia ng DepEd ang pagpaparangal sa mga nagwaging mag aaral nitong nakatalikod na Marso 1, 2018 dakong 3:00 sa Lobby ng Daet Municipal Building.

arts2arts2arts3

Nabatid na naglaban laban ang mga piling mag aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Daet sa ibat ibang kategorya ng sining na Drawing, Essay-Writing, Poster-Making at Photo Art Contest nitong nakatalikod na Pebrero 26, 2018 sa Provincial Capitol AVR Room. Sentro ng kumpetisyon ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na “Ligtas na Pilipinas ating hangad, pag iingat sa sunog sa sarili ipatupad”.

arts4

arts5 arts6

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Municipal Fire Marshall Osea, taun taong isinasagawa ang nasambit na arts contest sa mga munisipalidad sa layuning maipalaganap ang kamalayan sa mga kabataan maging sa mga mamamayan ukol sa kahalagahan ng fire safety habang kasabay ding hinuhubog ang talento ng mga ito sa ibat ibang larangan ng sining.

Nagpasalamat rin ang nasambit na opisyal sa patuloy at buong suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K”Ochoa sa nasambit na aktibidad maging sa iba pag aktibidad na bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month.

Ang mga sumusunod ang mga aaral na nagwagi sa Arts Contest:

Drawing Contest

1st Place:           Win Li D. Garcillanosa (CNSC Abaño Elementary School)

2nd Place:           Gwyneth M. Puso (Mantagbac Elementary School)

3rd Place:            Rei Carmie P. Nacario (Alawihao Elementary School)

Poster Making Contest

1st Place:            Joshua G. Puso (CNNHS)

2nd Place:           Christian Paul G. Toledo (Mabini Colleges of Daet)

3rd Place:            Merylle Rose Abejero (CNNHS)

Essay Writing Contest

1st Place:            Demi Ruth Elen (CNNHS)

2nd Place:           Abigail S. Catalina (Zion Christian Academy Foundation)

3rd Place:            Elaine L. Yanela

Photo Contest

1st Palce:            Christian D. Gaza (Alawhao National High School)

2nd Place:           John Martin S. Sayno (Mabini Colleges of Daet)

3rd Place:            Rijey Cantanilla (Porfirio Ponayo Natl. High School)

Tumanggap ng premyong Php 1,000.00 ang mga mag aaral na nakamit ang unang puwesto, Php 750.00 para sa ikalawang puwesto at Php 500.00 naman para sa ikatlong puwesto.

 

Chalotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos and details courtesy of BFP Daet